top of page
546620_455725447825487_941834170_n_edited.jpg
BUTTON POET OF THE DAY.png

BAKUNAWA FEST X + OUTLINES POET OF THE DAY

We believe in the power of the pen and the power of words! BAKUNAWA FEST X collaborates with OUTLINES to bring a film festival first wherein whole week, we're featuring a "Poet of the Day" and they'll do word slams and word plays before selected screenings. TulasalitaanPH brings in their poets in support of Bakunawa Fest X to energize the film screenings and make you love poetry and word art even more. We're very proud to present the poets who will be jammin' with our film audiences: 

EDBERT 01.png

NOV 6 MON (10 AM) Videotheque
Poet of the Day

EDBERT DARWIN CASTEN

 

Si Edbert Darwin Casten ay produkto ng ilan sa mga prestihiyosong national writing workshops gaya ng Palihang LIRA (2019), Iligan National Writers Workshop (2020), at Amelia Lapeña-Bonifacio National Writers Workshop (2021).

 

Siya ay Board of Trustee sa Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (2021 - Present), Founding Member ng Komite sa Pambansang Araw ng Pagtula, Founding Member ng TulasalitaanPH, Director for Communication ng BAON Collective (2019 - Present), at Marketing Director sa Outlines Network & Entertainment (2023 - Present).

Ilan sa mga natanggap niyang parangal ay ang Gawad Artisan Tek for Poetry sa Technological University of the Philippines - Manila, at ang Jimmy Balacuit Award for Poetry mula sa Iligan National Writers Workshop.

​

Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang freelance copywriter, content editor, layout artist, translator, at community/project manager para sa iba’t ibang kliyente.

IVAN 01.png

 

NOV 7 TUE (1 PM & 4PM) Videotheque
Poet of the Day

IVAN JETHRO MELLA

 

Si Ivan Jetrho Mella ay Spoken Word Artist, Visual Artist, Playwright, at Battle Rap Emcee mula sa lungsod ng Caloocan. 

Founder ng TulasalitaanPH, kasapi ng KM64 Writers Collective, at Ampalaya Monologues. Nakapag-faciliate at naging Guest Speaker na para sa mga Spoken Word Workshop sa iba't ibang paaralan, unibersidad, at lungsod. Naging parte ng Pasinaya (2019, 2023), at Performatura (2019, 2023) na nangyari sa Cultural Center of the Philippines. 

​

Ngayong 2023 ay writing fellow siya sa 2nd Caloocan Writers Workshop para sa dula, Virgin Labfest 18 Writing Fellowship Workshop, at sa paparating na 30th Iligan Writers Workshop para sa One-Act Play. Sa parehong taon din ay inilabas ang unang libro niyang may pamagat na “mukha ng pag-uwi”.

PATRICIA 01.png

 

​

​

NOV 8 WED (2 PM & 5PM) Cine Adarna
Poet of the Day

PATRICIA MAOMAY

 

Si Patricia Maomay ay laking Mandaluyong at kasalukuyang kinukuha ang kursong BS Psychology sa Unibersidad ng Makati. 

Sinimulang pasukin ang eksena ng spoken word noong 2016 at nakilala sa kaniyang piyesang Banal na tumatalakay sa danas ng LGBT community. Siya ngayon ay miyembro ng Ampalaya Monologues at Kalimbahin Art Community. Madalas siyang magtanghal sa iba't ibang entablado sa Quezon at kamakailan ay nagbahagi ng kaniyang piyesang Hawla sa CCP Performatura Festival. 

​

Ang ilan sa kaniyang mga piyesa ay makikita rin sa iba't ibang streaming platforms gaya ng Spotify at Youtube.

ANTONIO BATHAN 01.png

 

​

NOV 8  TUE (2 PM & 5PM) Cine Adarna
Poet of the Day

ANTONIO BATHAN

 

Si Antonio Bathan ay Spoken Word Artist at Battle Rap Emcee mula sa Mataasnakahoy, Batangas. 
 

Kasapi ng Tanghalang Dalwa-Singko at Dripped Art Movement na nagpapasimuno ng mga gawaing may kinalaman sa Spoken Word sa Batangas. 
 

Nakapagtanghal na siya sa maraming parte ng bansa, pati na rin sa ilang malalaking media platform gaya ng Pilipinas Got Talent, Wish 107.5, at iba pa. 
 

Sa kasalukuyan ay nagtatanghal pa rin siya sa iba't ibang okasyon, habang tinatapos ang kaniyang Juris Doctor.

RS 01.png

 

​

​

NOV 9 THU  (10 AM) Videotheque
Poet of the Day

Bakunawa Award Winner RS MAGTAAN

 

Si RS Magtaan ay nagmula sa lungsod ng Malabon. Isang award-winning na mambibigkas, aktor, manunulat, direktor sa telon at pelikula. Bahagi rin siya ng iba’t ibang art and human-rights collective.
 

Nakalilok na ng ilang mga shortfilms at music videos. Umarte rin siya sa Pamilya Ordinaryo, Mga Kaibigan ni Mama Susan, Hugas, Walang Kasariang Ang Digmang Bayan, Citizen Jake, at sa ilan pang mga shortfilms at feature films.

Si RS ang nagwagi ng Grand Bakunawa para sa Pinakamahusay na Maikling Pelikula ng Bakunawa Fest 9.

JOHN MARK 01.png

 

NOV 10 FRI  (1 PM & 5PM) Cine Adarna
Poet of t
he Day
JOHN MARK TIQUIA

 

Si John Mark Tiquia ay mula sa Baliuag, Bulacan ngunit lumaki sa Lungsod ng Maynila. 
 

Nakapagtapos siya ng pag-iinhinyero sa Technological University of the Philippines - Manila. Founding Member ng Midnight Collective, parte ng Kalimbahin Art Community, at kamakailan ay naanyayahan namang maging kasapi sa TulasalitaanPH. Ang kaniyang mga naisulat ay mababasa iba't ibang social media platform, isa sa mga pinakasumikat ay ang "Bakit nga ba Single ka?" at "Kapag Mabigat ang Lunes". 
 

Bago siya naanyayahang maging ganap na kasapi ng TulasalitaanPH ay nasungkit niya ang Ikatlong Gantimpala sa timpalak ng samahang ito. Layon niyang tumulong na mapagpayabong ang sining sa Metro Manila at mga karatig nitong lungsod.

ANDREW 01.png

​

​

 

NOV 10 FRI  (1 PM & 5PM) Cine Adarna
Poet of t
he Day
ANDREW FELIX DELURIA

 

Si Andrew Felix Deluria ay lumaki sa Lungsod ng Malabon. 

Maaari din daw siyang tawaging DJ, pinaiksing Daniel Padilla na may nawawalang J. Kilala siya sa mga pagtatanghal na parehong politikal at nakatatawa, isa sa mga pinakasumikat niyang piyesa ay ang "Sakit sa Ilalim ng Silong sa Gitna ng Malakas na Buhos ng Ulan, Ako'y Giniginaw Hindi Makagalaw ang Iniiisip ay Sana Adobo ang Ulam Mamaya Pag-uwi". 
 

Kasapi siya ng KM64 Writers Collective at Kalimbahin Art Community. Naniniwala siyang malaki ang naitutulong ng sining sa pagpapaintindi sa sangkatauhan ng kahulugan ng kabutihan.

Hannah.png

​

​

NOV 11 SAT  (5PM) Videotheque
Poet of t
he Day
HANNAH PAULINE PABILIONA

 

Si Hannah Pauline Pabilonia ay tubong Rizal at nagtapos sa kursong Bachelor of Arts in English sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas noong 2018. Siya’y naging bahagi ng isang maliit na teatro sa Kolehiyo ng Arte at Literatura. Siya ay isang performance poet, at ang co-founder ng Tadhana Collective, isang kolektibo ng mga artista’t manunulat mula 2016 na nagbibigay ng espasyo para sa mga artista't manunulat. Ang karanasan niya sa performance poetry ay nagsimula sa maliliit na open mic events sa mga cafe sa South Luzon hanggang sa kalaunan ay maimbitahan siya na magtanghal sa iba’t ibang unibersidad, radyo, at telebisyon. Natampok na ang kanyang kolektiba sa GMA 7's Investigative Documentaries na may pamagat na "Spoken Word As A Craft". At kamakailan, siya ang itinanghal na “Gintong Makata 2023” sa Slam Poetry Contest ng TulasalitaanPH.

bottom of page